Ang mixed/dual economy o magkahalong ekonomiya ay isa sa apat
na sistemang pang-ekonomiya na tumutukoy sa kalayaan ng mga mangangalakal na
makipag-kalakal ngunit may bahid ng sentralismo at regulasyon ng isang Estado.
Maliban sa kalakhan ng mga ekonomiya sa buong mundo ay
mayroon nito, mahalaga ang mixed economy sapagka’t nako-kontrol ng Estado ang
mga mangangalakal kung sakaling sila ay umaabuso na o nakapanlalamang na.