Sa Pilipinas, ang gawain ng hudikatura, na binubuo ng mga korte
na siyang pinangungunahan ng Korte Suprema, ay makikita at tuwirang nakabatay
sa Konstitusyon ng 1987. Ilan sa mga pangunahin at natural na hudikatura ay ang
mga sumusunod:
1. Pagbibigay
ng hatol sa mga kaso kasama na ang pagpataw ng mga kaparusahan.
2. Pagbibigay
ng kaayusan sa mga ligal na usapin at kung ang isang polisiya ay konstitusyonal
ba o iligal.
3. Magbigay
kahulugan sa mga umiiral na batas.
4. Pagbibigay
rebyu sa mga apela sa mga kasong nasa mababang korte o nasa Korte ng mga Apela.