Smart Answers
Ask question
Login Signup
Ask question

bigyan ako ng tula na may sukat at tugma

Nikash
Nikash
2022-09-16 04:17:11
bigyan ako ng tula na may sukat at tugma
Filipino

1 answer:

Abraham
Abraham 25.10.2022

Krus na sagisag ng pagpapakahirap
Ni Hesus na tubos ng sala ng lahat,
Sa krus namatay ng napakasaklap,
Bakit siya namang hinahaplos-palad?

Krus na sagisag ng dusa’t siphayo,
Ikakalat sa noo ng mga deboto,
Magpaparoon at magpaparito,
Palaspas, sinunog, nagka-abu-abo!

Nakatutuwa sa isang nag-iisip,
Na ang krus na tanda ng luha’t hinagpis,
Ay siya ding itatatak na parang mga lapis,
Sa noo na ang wika ako ay matuwid!

Ang abo sa noo ng may mga sala,
Daan para bukas ay bigla ding itatwa,
Balik sa kasalanang lubos na kay sama,
Wala ngang nagbago sa masamang gawa!

Araw-araw man nating lagyan ng abo,
Kahit abo iyan ng sunog na tao,
Kung ating uulitin ang ating pagkalilo,
Walang mangyayari, tuloy sa impiyerno.

Tataba lang ang bulsa sa abuloy at handa,
Pagdating ng hudyat ng mga kampana,
Ang tuloy ng tuwa sa pinto ba ng aba,
O sa Haring nakaupo sa trono ng Roma?

Sa pag-aabuloy ng perang kinita,
Bakit hindi na lang itulong sa madla,
Maraming Kristiyano ang nagsisipagdusa,
Nakaupong hari, walang ginagawa!

Pinagdadasal ka sa diyos na bato,
Pati nga sa kahoy, wala namang kibo,
Ang dasal mo dapat sa Diyos na totoo,
Bakit nakaluhod sa tansong rebulto?

Limangdaang taon ang nakalilipas,
Buhat nang makilala itong mga ungas,
Kahit niloloko nitong talipandas,
Yuko pa rin tayo, bukas pati palad.

Sa paghuhukom, isusulit ang lahat,
Lahat ng ginawa, lahat: may katapat,
Mabuting nilalang, langit: malalasap,
Ang lilo at sama, sa apoy ang bagsak!

At sa dagat ng apoy itong katapusan,
Lahat nitong mga walang buting lalang,
Dito lalangoy ang lahat ng lilisan,
Sa init mapupugnaw, mga kasamaan! 

You might be interested in
Joshua
Joshua
Filipino, 29.09.2023
Pumili ng Isang katutubong awit halimbawa:leron leron sinta palitan ang mga letra ng mga linya na naglalahad ukol sa pagbuo
Haroon
Haroon
Filipino, 29.09.2023
Patulong ako hirap nito walang information sa module namin..
Joss
Joss
Filipino, 29.09.2023
Sa iyong palagay,makatuwiaran ba ang mga isinagawang pag-aal
Declan
Declan
Filipino, 29.09.2023
Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat pahayag. Isu
Rayhan
Rayhan
Filipino, 29.09.2023
Tama o Mali Ang mga magandang baybayin at dagat sa atin ay malaking tulong sa laranganng turismo sa ekonomiya ng ating bansa.
Dennin
Dennin
Filipino, 29.09.2023
1. Siya ang apo at unang ipinadala ni Legazpi upang magsiyasat sa mga gintong nakukuha ng mga Igorot sa Cordillera. *A. Kapitan
Jostelle
Jostelle
Filipino, 29.09.2023
Ito ay tumutukoy sa pagmamayari ng Lugar A. teritoryo B. barangay C. estadoD. komunidad
Colm
Colm
Filipino, 29.09.2023
1. Paano naimpluwensiyahan ng mga ideolohiyang politikal ang
Solomon
Solomon
Filipino, 29.09.2023
ano po ba yung meaning ng hamburger kita​
Josef
Josef
Filipino, 29.09.2023
Ano ang panunay ng ekonomiya​
Yousif
Yousif
Filipino, 29.09.2023
Sino sino ang mananalakay ng timog asya
Zayd
Zayd
Filipino, 29.09.2023
Ilang rehiyon Ang bumubuo sa Asya? Ano- ano Ang rehiyon ito
Gio
Gio
Filipino, 29.09.2023
Ano ang produkto ng cellphone
Manmohan
Manmohan
Filipino, 29.09.2023
ano ang ibig sabihin ng lantawon?
Hope
Hope
Filipino, 29.09.2023
PA sagot po plss sorry po madami po akong sasagutan​
Kailin
Kailin
Filipino, 29.09.2023
Gawain 2. Larawan-Suri! Panuto: Dahil sa COVID-19, labis na naapektuhan ang mga produkto sa pamilihan ana larawan ay makikita
Maros
Maros
Filipino, 29.09.2023
GAWAIN 2. Plus Minus A. Panuto: Basahin at suriin ang bawat pangungusap. Isulat ang Plus (+) kung ang pangungusap ay nagpapakita
Dalton
Dalton
Filipino, 29.09.2023
Reaksiyon ng pamamalakad ng mga patronato real
Ceejay
Ceejay
Filipino, 29.09.2023
Gawain 1: PataasIpagpalagay na ikaw at ang iyong kaibi
Macallum
Macallum
Filipino, 29.09.2023
sampung bansa sa asya ang may maliit na populasyon ?
All categories
  • Filipino
  • Math
  • Araling Panlipunan
  • English
  • Science
  • Physics
  • Chemistry
  • Biology
  • History
  • Geography
  • Edukasyon sa Pagpapakatao
  • Economics
  • Technology and Home Economics
  • Integrated Science
  • Health
  • Music
  • Art
  • Physical Education
  • Religion
  • Computer Science
  • World Languages
  • Spanish
Login
Not registered? Fast signup
Signup
Login Signup
Ask question!

2023 © Smart Answers