Tusong Kahirapan, hindi ka namin kinatatakutan sa kalupitan mo, maghihikahos ma’t gagapang kami ma’y mamumulubi’t magiging kahabaghabag mga mithi’t pangarap namin ‘di mo mabubuwag
ngayo’t magpakailanman ulo nami’y ‘di iyuyuko kami sa iyo’y lalaban hanggang sa kayo’y maigupo sa mga puso’t diwa namin paninindiga’y ‘di marurupok ‘di hahayaang mga pinapangarap mauuwi lamang sa alabok
minimithing kasaganaha’y abot tanaw na namin ang nagbabagang araw ngayon sa ami’y lilipas din libong dusa’t hapis man sa amin ngayo’y nakapaligid bukas ay liligaya ri’t may tuwang walang patid
ang pagpapagod mo, lahat masasayang lamang sa kapangyariha’t katusuhan mo kami ‘di malilinlang kung ang mga abang buhay nami’y kaya mong kitlin mga puso’t diwa namin ‘di mo magawang pasukuin! hope it helps!