Ibig Sabihin ng Lansakan
Ang lansakan ay isa sa mga kailanan ng pangngalan. Ito ay kilala din sa tawag na maramihan. Ang ibig sabihin ng lansakan ay dami o bilang na pinagsama-sama ngunit ang bilang na tinutukoy ay hindi tiyak. Ito ay nagsasaad ng kaisahan, karamihan o kabuuan.
Mga Halimbawa ng Lansakan
Narito ang ilang halimbawa ng salita na ginagamit sa lansakan:
- kawan
- kumpol
- hukbo
- langkay
- pulutong
- klase
- grupo
- organisasyon
- komite
Mga Halimbawang Pangungusap
- Isang kumpol na ubas ang binili ni tatay.
- Grupo-grupo ang lumahok sa rally laban sa presidente.
- Nakita namin ang paglipad ng kawan ng ibon.
Para sa halimbawa pa ng Kailanan ng Pandiwa, bisitahin ang link:
#BetterWithBrainly