Kabanata 1 ng El Filibusterismo
“Sa Ibabaw ng Kubyerta”
Aral:
- Ang aral na makukuha sa kabanatang ito ay kung anong klaseng pamumuno ang hinagawa ng mga kastila noon sa ating bayan,inihahambing ang bapor Tabo sa pamahalaan sapagkat mabagal ang pag-usad nito na parang ang ating pamahalaan noon na halos walang pag-unlad sa mahabang panahon,sapagkat ang namumuno ay puro pang sariling interest lamang ang nais, ayaw nilang natuto ang mga Pilipino sapagkat natatakot sila na hindi na maging sunod-sunuran ang mga ito sa kanila.
-
Ang isa pang aral na matutunan dito ay huwag nating maliitin an gating kapuwa, sobrang liit ng tingin ng mga kastila noong sa mga Pilipino ang tingin nila sa mga Pilipino ay utusan lamang nila, at para sa kanila ay ipinanganak ang mga Pilipino para maging utusan lamang nila.
-
Ang isa pang aral na makukuha sa kabanatang ito ay diskriminasyon, nahahati ang sakay ng bapor tabo ang mga mayayaman at mga dugong kastila ay nasa ibabaw na bahagi ng bapor, maganda ang upuan, hindi pinapawisan at kumportable sa kanilang mga kinatatayuan samantalang ang mga Pilipino o indiyo mga intsik ay nasa ilalim ng kubyerta at nagtitiis sa init at ingay ng makina ng bapor,pawis pawisan at halos nagsisiksikan sa kanilang kinatatayuan.
#LearnWithBrainly
Buksan ang link para sa karagdagang kalamaan
El filibusterismo buod ng kabanata 1