Makukuha ang sukat ng tanka at haiku sa pamamagitan ng
pagpapanti. Ang tanka ay binubuo lamang ng tatlumpu’t isang (31) pantig.
Kadalasan itong walang tugma at may lima, pito, lima, pito, at pitong
pagpapantig at kadalasang isinusulat ng buo. Sa kabilang banda naman, ang haiku
ay mayroong labimpitong (17) pantig at nahahati sa lima, pito, at limang yunit
o 5-7-5.