Ang kahulugan ng pambalana ay tumutukoy sa pangkaraniwang ngalan ng bagay, tao, pook, hayopat pangyayari. Ang pambalana ay pangkalahatan at walang tinutukoy na tiyak o tangi. Ang pambalana ay nagsisimula sa maliit na titik. Ang mga halimbawa ng pamabalana ay ang mga sumusunod:
- mag-aaral
- guro
- doktor
- palengke
- gatas
- relihiyon
- aso
- kendi at marami pang iba
Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito:
Uri ng Pambalana
- Konkreto - ito ang mga pambalana na nakikita o nahihipo o nahahawakan
Halimbawa: bundok, lupa
2. Di - Konkreto - ito ang mga pambalana na nararamdaman lamang at hindi nahihipo o nahahawakan
Halimbawa: Pagtanda, pagmamahal
Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: