wikang filipino by marvin ric mendozaWIKANG FILIPINO ni Marvin Ric Mendoza
Ito ay punyal na ubod ng talim Punyal na kumikinang sa gabing madilim Ang puluhan nito ay utak na magaling At ang talas nito’y kakaiba kung limiin.
Sa nakaraa’t sa ngayo’y patuloy na hinahasa Na ang gamit ay kaydaming mga dila Ang punyal na kaytagal nang ginawang pananda Ay may bakas na rin ng kalawang at dagta.
Ang punyal na ito ay ang wikang Filipino Na patuloy na umuunlad sa pag-ikot ng mundo Ang kapara nito’y matigas na bato Na ‘pag di ipukol ay di malaman kung ano.
Mula sa isang bibig ay kumalat nang kumalat Mangyari’y dala-dala ng bapor na laging naglalayag Ang wikang Filipino’y katulad ng kamandag ng ahas Na sa isang sarili ay nagpapalakas.
Ang wika sa malayo ay kakaiba sa narito Iba ang sa kanya, iba rin ang sa iyo At dahil tayo ay kapwa Pilipino Yakapin natin ang wikang Filipino.
Ang wikang Filipino ay ilaw ng Pilipinas Liwanag sa pagtahak sa tuwid na landas Gamitin natin at gawing lakas At gawin ding pananggol sa darating na bukas.
Madaling magkaisa kung may pagkakaunawaan Madaling makakita kung may liwanag na natatanaw Medaling mananggol kung may lakas na taglay. Sa lahat ng ito’y wikang Filipino ang daan.
Sa bukas na darating ay ating mamamalas Ang dating ilaw ngunit bago nang landas Maaaring paabante, maaaring paatras Maaaring pababa, maaaring pataas.
Ang wikang Filipino’y magsisilbing gabay Sa kayraming taong sa Pilipinas namamahay.. Sa tuwid na landas ay walang mawawalay Kung tayo’y hawak-kamay sa pag-abot sa tagumpay…