Answer:
Kailangan nating maging mulat sa mga kontemporaryong isyu upang mas lumawak pa ang ating kaalaman tungkol sa mga nangyayari sa ating paligid.
Explanation:
Ang isang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa mga bagay na nangyayari sa kasalukuyang panahon na pilit ginagawan ng solusyon ng mga bansa. Ngayong taon, ang pangunahing isyu na sinusubukang lutasin ng pamahalaan ay ang pandemyang COVID-19. Kung hindi natin papansinin ang mga kontemporaryong isyu sa ating paligid ay hindi rin natin malalaman ang mga paraan kung paano ito mareresolba. Nakakatulong din ang kaalaman tungkol sa mga kontemporaryong isyu upang mas lumawak pa ang ating pang-unawa sa ating kapwa.
Para sa iba pang pagpapaliwanag kung ano ang isang kontemporaryong isyu, marapatin lamang na bisitahin ang link na ito:
#BrainlyEveryday